Martes, Oktubre 18, 2016

KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO

        Ang kakayahang komunikatibo ay tumutukoy sa paglalapat ng mga kaalamang  lampas sa gramatika o balarila.
Mahalaga rito ang mabisang paggamit ng wika para sa ganap na pagkakaunawaan (Garcia, et al., 2008).
Sa kabilang banda, pinag-uukulan ng pansin ang wastong paglalapat ng mga tuntunin ng wika sa kakayahang linggwistiko.
Lingguwistika – maagham na pag-aaral ng wika.Pinag-aaralan dito at sinusuri ang estruktura, katangian, pag-unlad atbp.bagay na may kaugnayan sa isang wika, at ang relasyon nito sa iba pang wika (Lachica, 2001:2).
        Kinapapalooban ito ng pagsusuri ng bawat tunog (ponema), titik, yunit ng salita (morpema), salita  (leksikon), pangungusap (sintaks), at pagpapahayag (diskors).
        Sang-ayon kina Canale at Swain (1980), para daw masabi na ang isang tao ay may kakayahang komunikatibo sa isang wika, kailangan tinataglay niya ang kakayahang panlingguwistika at gramatika (Tiongan, 2011).
        Tumutukoy ito sa kakayahang umunawa at makabuo ng mga estruktura ng wika na sang-ayon sa tuntunin ng gramatika.
        Bagama’t ang wikang Filipino ang kinikilalang opisyal na wikang pambansa at ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan, hindi pa rin maikakaila ang pag-iral ng ilang pagkakamali sa gamit nitong kadalasan ay makikita sa pagpili ng angkopna salita at wastong kayarian ng pangungusap para sa isang mabisang pagpapahayag.

Mga madalas na pagkakamali sa gramatikang Filipino

A. Paggamit  ngnangat ng

PAGGAMIT NG NANG
¢  Ginagamit bilang pangatnig sa hugnayang pangungusap.
  Halimbawa:
          Nagsisimula na ang palatuntunan nang kami ay dumating.
¢  Nagmula sa na at inaangkupan ng ng at inilalagay sa pagitan ng pandiwa at panuring nito.
  Halimbawa:
                Nagpaalam nang magalang ang mag-aaral sa guro.
¢  Ginagamit sa gitna ng dalawang salitang-ugat na inuulit, neutral na inuulit, o pandiwang inuulit.
  Halimbawa:
            basa nang basa
      magsikap nang magsikap
¢  Nagbuhat sa na na naangkupan ng ng at ginamit bilang pang-abay na pamanahon.
Halimbawa:
          Marami nang (na+ng) tao sa bulwagan.
¢  Pang-ugnay sa pandiwa at pang-abay na pamaraan.
Halimbawa:
         Binigkas ni Elena nang buong husay ang kaniyang talumpati.
¢  Kasingkahulugan ng upang at panumbas sa so that o in order sa Ingles.
Halimbawa:
          Makisama tayong mabuti sa ating kapwa nang tayo ay lumigaya.

PAGGAMIT NG NG

¢  Pantukoy na palayon na kasama ng tuwirang layon ng pandiwa.
Halimbawa:
       Gumagawa siya ng takdang-aralin.
¢  Pananda ng tagaganap ng pandiwa sa tinig balintiyak.
Halimbawa:
        Pinangaralan ngina ang anak.
¢  Nagsasaad ng pagmamay-ari ng isang bagay.
Halimbawa:
       Ang aklat ng bata ay tinakpan ng ina.
¢  Bilang pang-ukol na katumbas ng with sa Ingles.
Halimbawa:
     Ako ay sinalubong niya ng ngiting magiliw.

B. Paggamit ng may at mayroon


PAGGAMIT NG MAY
¢  Kapag sinusundan ng pangngalan.
Halimbawa:
    May kasama siyang kaibigan.
    Si Donna ay may dalang balita.
¢  Ginagamit kapag sinusundan ng pandiwa.
Halimbawa:
    May gagawin ka ba mamaya?
    Ang mga bata ay may inaasahang regalo.
¢  Kapag sinusundan ng pang-uri.
Halimbawa:
    May bago ka palang kaibigan.
    Si Didith ay may magandang kalooban.
¢  Sinusundan ng panghalip panao sa kaukulang paari.
Halimbawa:
    Bawat tao ay may kani-kaniyang problema.
    Sila ay may kanila na at kami ay may amin.
¢  Sinusundan ng pantukoy namga at pang-ukol na sa.
Halimbawa:
    May mga nilalang ng Ama natin sa Langit na nakakalimot na tumawag sa Kaniya.
    Tila maysa palos ang taong iyan.

Paggamit ng MAYROON
¢  Ginagamit kapag may napasingit na kataga sa salitang sinusundan nito.
Halimbawa:
       Mayroon bang problema sa pag-aaral mo?
      Mayroon daw humahanap sa amin.
¢  Ginagamit na pananong sa tanong.
Halimbawa:
      May hinihintay ka ba? Mayroon.
¢  Ginagamit kung nangangahulugan ng pagka-maykaya sa buhay.
Halimbawa:
    Sila ay mayroonsa kanilang bayan.
    Isa siya samayroon sa kanilang lalawigan.
C. Paggamit ng din at daw / rin at raw

PAGGAMIT NG DIN AT DAW
¢  Ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig.
Halimbawa:
     Tatlong buwan daw tinapos ni Isiong ang kubo na iyan.
     Susunod din sina Ela at Joy sa salusalo mamaya.

PAGGAMIT NG RIN AT RAW
¢  Ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig at malapatinig na w at y.
Halimbawa:
      Bibili raw si nanay ng lechon para sa kaarawan ni Bunso.
      Kasama rin kami sa pagtatanghal sa paaralan bukas.

D. Paggamit ng pahirin at pahiran

PAGGAMIT NG PAHIRIN
¢  Kilos na nangangahulugan ng pag-alis o pagpawi sa isang bagay.
Halimbawa:
     Pahirin mo ang pawis ng bata.

PAGGAMIT NG PAHIRAN

¢  Paglalagay ng kaunting bagay
Halimbawa:
     Pahiran mo ng Vicks ang aking likod.

E. Paggamit ng KUNG AT KONG

PAGGAMIT NG KUNG
¢  Pangatnig na panubali at karaniwang ginagamit sa hugnayang pangungusap.
Halimbawa:
    Malulutas ang suliranin ng bayan kung makikiisa ang mga mamamayan.

PAGGAMIT NG KONG
¢  Nanggaling sa panghalip panaong ko at inaangkupan ng anak.
Halimbawa:
    Nais kong tulungan ka ngunit tulungan mo muna ang iyong sarili.


F. Paggamit ng SUBUKIN AT SUBUKAN

PAGGAMIT NG SUBUKIN
¢  Nangangahulugang tingnan ang kalagayan o ayos, o kaya ay suriin at siyasatin ang kalagayan ng tao o anyo at ayos ng bagay. Katumbas ng trysa Ingles.
Halimbawa:
    Subukin natin ang lasa ng bagong mantikilyang ito.

PAGGAMIT NG SUBUKAN
¢  Tingnan kung ano ang ginagawa ng isang tao o kaya ay magmanman o maniktik. Katumbas ng to spy sa Ingles.
Halimbawa:
    Subukan mo kung saan niya itatago ang kaniyang dala-dalahan.

G. Paggamit ng kita at kata

PAGGAMIT NG KITA
¢  Ginagamit kapag ang isa o dalawang nag-uusap ay siyang gaganap ng gawain para sa kausap.
Halimbawa:
     Ibibili kita ng bagong damit.

PAGGAMIT NG KATA
¢  Ginagamit kung ang dalawang nag-uusap ay magkasamang gagawa ng isang bagay.
Halimbawa:
     Kata ay magsimba muna bago umalis.

H. Paggamit ng sila at nila / sina at nina

PAGGAMIT NG SILA AT NILA
¢  Mga panghalip panao at hindi sinusundan ng pangngalan.
Halimbawa:
    Sila ay pupunta sa Laguna para magbakasyon.
    Binili nila ang bestida para kay Lola Adela.

PAGGAMIT NG SINA AT NINA
¢  Mga pantukoy na maramihan na sinusundan ng pangngalan.
Halimbawa:
    Sina Jacob at Esau ang mangunguna sa pagdarasal.
    Pinitas nina Jean at Gabby ang mga bulaklak sa hardin ni Tiya Isabel.

I. Paggamit ng pinto at pintuan

PAGGAMIT NG PINTO

¢  Bahagi ng gusali na siyang isinasara at ibinubukas.
Halimbawa:
    Kumatok ka sa pinto bago ka pumasok.



PAGGAMIT NG PINTUAN
¢  Daanan
Halimbawa:
        Maluwang ang kanilang pintuan.

J. Paggamit ng hagis at ihagis

¢  Ang hagis ay isang pangngalan at hindi maaaring pandiwa samantalang ang ihagis ay pandiwang pautos.
Mali:     Hagismo ang bola kay Ryan.
Wasto:   Ihagis mo ang bola kay Ryan.
Wasto:   Kailangang itaas ni Ryan ang hagis ng bola.

SANAYSAY NI AURORA E. BATNAG

Ilang obserbasyon sa mga bagong kalakaran o pagbabago sa wika.

            Simulan natin sa palatunugan. Sa alpabetong Filipino na may 28 na letra napasok na kaya ang ponemang /f/ at /v/? Base sa sanaysay ni Aurora Batnag ang mga pinoy ay hindi conscious sa pagbibigkas ng ponemang /f/ at /v/.
Halimbawa:
Pangalang Patangi
            Vic Lima – Bik Lima
            Revicon Forte – Rebikon Porte
            Vietnam – Byetnam
Pangalang Pambalana
            Housing fair – hawsing peyr
            Chief of police – tsip op polis
            Secen – seben
            Four – por
            Batay sa datos conscious ang mag Pilipino sa pagpapatunog ng f. Kung sakali man hindiitoay labio-dental ang f na nabuo kundi bilabial.
            Ang biodental ay ang tamang pagbikas ng f at v  gamit ang sa itaaas na ngipin patungo sa ibabang labi. Ang bilabial naman ay ang pagbigkas ng f at v na parang p at b na ginagamit ang dalawang labi.
            Ayon kina Schachter at Otanes saTagalog reference grammar, ang /f/ ay nakakulong sa parentheses dahil marginalize pa lamang iyon. 36 na taon na ang lumipas ang ponemang /f/ ay nasa gilid-gilid parin. Sakaling binikas ito sa Filipino hindi man tulad sa Ingles ang bigkas kundi mas malapit sa /f/ n gating kababayan.

Ang “pilipit” na r

            Base parin sa obserbasyong ng awtor merong mga kabataan na kakaiba ang pagbigkas ng /r/ kung susubukan ninyong pakinggan maoobserbahan mo ang kaninlang paggamit dito. Masasabi nila na ito raw ay isang fad o kaya naman ay kaartehan. Pero pwede rin naman na dahil kaunti lang ang paggamit ngg /r/ sa ating wika kaya ganito, ngunit dapat parin natin itong ukulan ng pansin dahil pwedeng ito ay isang uso lang o kaya namay maging barasyon ng bigkas sa hinaharap.

Paggamit ng salitang SIYA

            Sa Manila merong makikitang karatula na nagsasabing “Atin siya.” Na ang siya ay ginagamit sa pagtukoy sa isang lugar.
Ibang halalimbawa:
            “Masarap siya.” (Tumutukoy ito sa pagkain)
            “Sabi nila matibay itong pader pero agad siyang bumigay.” (Tinutukoy dito ang natibag na pader)
            Ayon sa Balarila ng Wikang Pambansa ni Lope K. Santos, ang salitang siya ay isang panghalip na panao sa pangatlong panauhan. Katumbas ito sa Ingles ang he/she.
            Ngunit di lamang sa panghalip na panao ang gamit ng siya ginagamit rin ito sa pagbuo ng ilang salita.

Hal.
            Anong pasiyamo? (Desisyon o hatol)
            Kasiya ba sayo itong damit? (kasukat)
Siyanga? Baka niloloko mo lang ako (katumbas ng Oo nga talaga)
            Talagang palasak na ngayon ang paggamit ng siya sa pagtukoy ng mga bagay. Meron nga rin isang kilalang awtor sa gramatika na mismong siya ay gumagamit nito para tukuyin ang tao pati narin bagay. Marahil ginagawa nitong malinaw ang pagtukoy sa isang bagay na nauunawaan. Ngunit napapansin na mas gamitin ang siya pagtumutukoy ng bagay sa pasalita kaysa pasulat.

Nakakahiya o Nakahihiya

Matagal nang pinagtatalunan kung ano ang dapat ulitin ang salitang ugat ba o panlapi. Nalutas ang problema noong 1987 nang  ang Linangan ng mag Wika sa Pilipinas o Komisyon sa Wikang Filipino) ay pinagpasyahan na tanggapin ang dalawa. Kapwa tama ang nakakahiya at nakahihiya.
            Ayon sa tuntunin sa mga aklat ng gramatika, sa pagbabanghay ng pandiwa, inuulit ang unang pantig ng salitang ugat.
Hal.
Nagpaplantsa  na ang unang pantig ay plan kaya ito ay magiging magplanplansa na wala namang gumagamit. Iniwasto ito na ang inuulit ay ang unang Katinig at Unag Patinig ng salitang ugat.
   Balikan natin ang nakakahiya at nakahihiya
            Salitang Ugat    hiya
            Word base         kahiya
            Panlapi                ma-
Sa ganitong pagsusuri, ano ang inuulit? Di ba hindi ang salitang ugat kundi ang unang katinig at unag patinig (Unag K at Unag P, na tinatawag na word stem.) at hindi ng salitang ugat.
Itinuturo  noon sa makalumang aklat ng balarila na ang mga panlapi ay ma-, mag-, maka-, makapag-, at iba pa. Ngayon hinahati ito: ma-, + ka- +pag at ang pinakahuling pantig lamang ang tinuturing na panlaping makadiwa. Ang iba ay bahagi ng word base.
            Kapag ganito ang pagsusuri magiging malawak ang saklaw ng tuntunin at makikita nating pumapasok sa tuntunin ang ibang halimbawa.
            Nakikiaglaban, hindi nakipaglalaban
            Nakikigamit, hindi nakigagamit
            Nagsisipag-alisan, hindi nagsipag-aalisan
            Iba pang halimbawa na inuulit ang Unang K at Unag P ng salitang ugat na kinakabitan ng ma- + -ka+
Parehong ginagamit ang dalawang anyo:
Nakakahiya                             nakahihiya
Nakakalungkot                        nakalulungkot
Nakakatanda                nakatatanda
            Kapag may pa-, ganito ang obserba
Naipapadala                             naipadadala
Naipapahayag              naipahahayag
Ipinapalagay                            ipinalalagay
            Sa na obserbahan may dalawang anyo pag meron pa- sa word base. Sa kaso sa “ipinapalagay” at “ipinalalagay” masasabing iba ang kahulugan ng dalawa.
            Ang anyo ng salita na inuulit ang Unang K AT Unag P ng salitang ugat ay karaniwang nakikita sa pasulat na anyo samantalang sa pasalita naman ay inuulit ang unang pantig ng word base.

Paggamit ng panlapi

Maysariling kahulugan ang mga panlapi kaya posibleng magbago ang kahulugan ng mga salita batay sa panlapi.
Hal.     Bumili at magbili
             May mga panlapi rin na pwedeng magkapalitan tulad ng i- at –in. Merong pandiwang magkatulad ang kahulugan sa dalawang gagamitin. Halimbawa:
Iluto                 lutuin
Iprito                prituhin
Iihaw               Ihawin
            Ngunit possible rin namang magbago ang kahulugan.Halimbawa:
Iakyat              akyatin
Ibili                  bilhin
            Meron talagang panlaping nakatakda sa bawat salitang ugat ngunit dahil sa dami ng Filipino na gumagamit marami narin ang pumapasok na ibang gamit.
Halimbawa:
            NOON:
Irespeto
Italakay
            NGAYON:
Respetuhin
Talakayin

Mga bagong pahayag
            Parang apoy na lumaganap ngayon ang paggamit nf kaya sa ganitong mga sitwasyon:
            Dito kaya ako nakatira.
            Busog na ‘ko, kumain na kaya ako!
Dating saklaw ng kaya:
            Nagmumungkahi: Lumunok ka kaya nito, baka makabubuti sayo.
            Nagdududa: Ipinuslit nga kaya niya ang P670M na fertilizer fund?

Ponemang morpema
            Ang o at a ba ay mga ponemang morpema na nagbabadya ng kasarian? Hindi parin.Hinihiram nang buo ang mga salitang tulad ng abogado/abogada, maestro/maestra at iba pa.

Kailanan at kasarian ng pangalan

            Itinuturo sa paaralan ang kalian ng pangalan.
Halimbawa:
            Isahan: isang bulaklak
            Dalawahan: dalawang bulaklak
            Maramihan: Maraming bulaklak
            Nagbago ba ang anyo ng “bulaklak” sa ibat ibang bilang? Hindi, di ba?Ang naiba ay ang panuring nito.
            Naipapakita ang isahan at maramihan anyo ng pangalan sa pamamagitan ng paglalapi.
            Isahan: ina
            Dalawahan: mag-ina
            Maramihan: mag-iina
            Ilan ang ina sa mag-ina? Sa mag-iina? Isa lang. Ngayon paano natin matutukoy kung dalawahan ba o maramihan gayong hindi nagbago ang bilang ng ina?
            Ito pa.Anong kasarian ang pangalang mag-ina?Pambabae, panlalaki, di tiyak o walang kasarian?
            Base sa mga obserbasyon ni Aurora E. Batnag kailangan na nating suriin ng mabuti ang ating mga tinuuro sa mga bata dahil  sa mga bagay-bagay tulad ng mga halimbawa na lumakaganap sa atin bansa ukol sa wika.


 MARAMING SALAMAT!



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento