IKAW AY PINOY KUNG…
IKAW AY PINOY KUNG...
Ang kulturang Pilipino ay sinasabing halo-halong mga
impluwensya ng mga mangangalakal noong unang panahon nang hindi pa dumating ang
mga mananakop sa ating bansa ayon kay Krister
Anne L. Baylosis at Jessamari Rogene R. Garcia. Sinasabi na ang mga mangangalakal
noong unang panahon na nangaling pa sa ibat’ibang dako nang mundo ay pumunta sa
Pilipinas at dahil dito naimpluwensyahan nito ang mga katutubong Pilipino sa
kanilang mga kultura halimbawa nito ang paniniwala ng mga kautubong Pilipino sa
‘karma’ na dapat ito ay paniniwala lamang ng ibang mga bansa halimbawa ay India.
Sa
pagdating na ng mga mananakop dito sa Pilipinas
tulad nang mga Kastila, Americano, at Hapones ang mga Pilipino ay meron
nang mga kulturang pinayaman sa kanilang araw-araw na pamumuhay ngunit sa
pagdating ng mga mananakop ito ay naging malaking kontribusyon sa pagunlad ng
mga kultura sa Pilipinas lalo na sa mga Kastila na nanatili sa bansa sa loob ng
tatlong daang taon. Isa na dito ang Kristyanismo na naging pinakamalaking kontribusyon
ng Kastila sa bansa na hanggang ngayon ay pinagpatuloy paring pinayabong. Edukasyon
naman sa mga Amerikano na malimitan lamang makamit sa panahon ng mga Kastila.
Sa panahon naman ng mga Hapones napayabong ang mga sining sa pagsulat. .
Ang kultura ay ang paraan ng pamumuhay ng mga tao na naninirahan sa isang
lipunan na nagpapakita ng kaugalian, tradisyon, mga sining, sistema ng
edukasyon, musika at pamahalaan.
Ikaw ay Pinoy
kung alam mo ang mga sumusunod na kulturang ito:
A. Bayanihan
Nagmula
ang salitang bayanihan nang gamitin ito ng mga Pilipino sa
pamamagitan ng pagtutulong-tulong sa pagbubuhat at paglilipat ng mga gamit ng
isang pamilya o taong maninirahan sa ibang lugar. Kasama sa proseso ng
bayanihan ang pagbubuhat ng bahay patungo sa bago nitong lokasyon. Ginagawa ito
sa pamamagitan ng paglalagay ng mga kawayan sa gilid ng bahay hanggang sa
maiangat ito at madala sa ibang lugar. Bahagi na rin ng tradisyong ito ang
pagkakaroon ng isang maliit na pista bilang pasasalamat ng naglipat na pamilya
sa mga tumulong sa kanila.
Mga taong
nagbabayanihan sa kanilang barangay
|
B. Pagmamano
Ang
pagmamano ay kaugalian ng mga Pilipino upang ipakita ang paggalang sa
nakatatanda. Tinutukoy nito ang pagkuha sa kamay ng nakatatanda at paglapat
nito sa noo, sabay ang pagsabi ng mano
po. Madalas itong ginagawa bilang pagbati sa pagdating o bago umalis.
Maagang itinuturo sa mga bata ang pagmamano bilang isang tanda ng paggalang.
Batang
nagmamano sa isang matandang lalaki
|
C. Paggamit ng Po at Opo
Ginagamit
din ng mga Pilipino ang mga salitang po at opo bilang tanda ng paggalang sa kausap.
Karaniwang sinusundan ng salitang po ang mga salita sa pag-uusap. Ang opo naman ay nagsisilbing isang magalang
na paraan ng pagsasabi ng oo.
Maaari din namang gamitin ang ho at oho kapalit ng po at opo.
D. Harana
Ang harana
ay isang paraan ng mga Pilipino para ipahayag ang kanilang nararamdaman sa
isang babae. Ang harana ay ginagawa sa gabi pwede itong gawin na merong kasama o isa lamang. Sa
harana kumakanta ang lalaking umiibig na may kasamang pagtugtug ng instrument
para pahulugin ang damdamin ng babae. Isa rin itong paraan ng pagrespeto sa
pamilya ng babae.
E. Pamamanhikan
Kapag
napagkasundo na ang lalaki at babae na magpakasal kasunod naman nito ang
pamamanhikan. Sa okasyon na ito pormal na hihingiiin ng lalaki ang kamay ng
babae sa kanyang mga magulang sa panahon din na to pinaguusapan ang mga detalya
para sa kasal tulad ng petsa, lugar, mga imbitado at iba pa. Sa isang
pamamanhikan normal na magdala ang pamilya ng lalaki ng mga pagkain para
pagsalusaluhanhan ng kanilang mga pamilya.
F. Folk Dance o Katutubong Sayaw
Karamihan
sa ating mga Pilipino ay tumatangkilik sa ating mga sayaw sa Pilipinas. Isa na
sa mga tinatangkilik na sayaw ay ang ‘Folk Dance’ o Katutubong Sayaw. Ang mga
sayaw na ito ay sumisimbolo sa isang pagiging purong Pilipino, ang mga aksyon
sa pagsasayaw sa Folk Dance ay sumasalamin sa katangian ng isang Pilipino at
Pilipina. Isa nang halimbawa ditto ay ang Cariñosa (o Karinyosa) na sinasayaw
na parang nagliligawan ang babae at lalaki at nagpapakita ng pagsisinta sa isa’t
isa.
G. Larong Pinoy
Bago pa nauso ang mga gadyet tulad
ng mga kumpyuter at ipod ang mga libangan ng mga Pilipino noon ay ang paglalaro
sa ilalim ng araw. Halimbawa ng mga laro ay, Patintero at Tumbang preso. Ang
Patintero ay nilalaro sa loob ng mga linya ng parisukat at parihaba na ang mga
taya ay huhulihin ang mga tumatawid habang nakaapak lamang sa linya at ang mga
manlalaro naman ay kailangang tumawid sa dulo ng linya ng hindi nahuhuli. Ang
Tumbang preso naman ay gumagamit ng tsinelas at lata, na kung saan ang taya ay
magbabantay sa lata at sa mga manlalaro, kung matumba ang lata dapat itong
itayo ng taya at habulin ang mga pumulot ng kanilang tsinelas na wala sa linya.
H. Palangiti
Ang mga
Pilipino ay kilala sa buong mundo bilang mga taong palangiti, mga positibo at
tumitingin lang sa hinaharap. Na kahit anong kalamidad ang dumating sa bansa
mapa bagyo man, lindol o baha ang mga pinoy ay ngumingiti parin pagkatapos ng
kalamidad. Ito ay isang patunay kung gaano katatag ang mga mamamayang Pilipino.
Mga
Pilipino sa gitna ng baha
|
I. Fiesta o Pista
Ang mga makukulay at magagarang
pista ay isang tunay na kayaman ng Pilipinas. Kung ikaw ay isang turista o
turista sa sariling bansa di mo dapat ito palampasin. Ang mga pista sa
Pilipinas ay ginugunita sa lahat ng dako sa bansa simula Enero hanggang Disyembre. Ginugunita ang mga pista
para sa pagpapasalamat sa mga diyos ng
kalikasan para sa masaganang ani o sa pagpapasalamat sa Diyos o sa mga santo.
Isa sa mga kilalang pista sa Pilipinas ay ang Ati-atihan Festival na ginugunita
sa ikatlong lingo ng Enero sa Kalibo Aklan, bilang pagdakila sa Sto. Niño.
Mananayaw sa pista ni Sr. Sto. Niño. |
Marami pang
kultura ang nasa Pilipinas na kailangan pa nating tuklasin ay payabungin. Ang
importante dito ay atin itong pahalagahan dahil ito rin ang magiging susi ng ating kinabukasan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento