KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO
Ang kakayahang komunikatibo ay tumutukoy
sa paglalapat ng mga kaalamang lampas sa
gramatika o balarila.
Mahalaga rito ang mabisang paggamit ng wika para sa
ganap na pagkakaunawaan (Garcia, et al., 2008).
Sa kabilang banda, pinag-uukulan ng pansin ang wastong
paglalapat ng mga tuntunin ng wika sa kakayahang linggwistiko.
Lingguwistika – maagham na pag-aaral ng wika.Pinag-aaralan dito at
sinusuri ang estruktura, katangian, pag-unlad atbp.bagay na may kaugnayan sa
isang wika, at ang relasyon nito sa iba pang wika (Lachica, 2001:2).
Kinapapalooban
ito ng pagsusuri ng bawat tunog (ponema), titik, yunit ng salita (morpema),
salita (leksikon), pangungusap
(sintaks), at pagpapahayag (diskors).
Sang-ayon
kina Canale at Swain (1980), para daw masabi na ang isang tao ay may kakayahang
komunikatibo sa isang wika, kailangan tinataglay niya ang kakayahang
panlingguwistika at gramatika (Tiongan, 2011).
Tumutukoy
ito sa kakayahang umunawa at makabuo ng mga estruktura ng wika na sang-ayon sa
tuntunin ng gramatika.
Bagama’t
ang wikang Filipino ang kinikilalang opisyal na wikang pambansa at ginagamit sa
pang-araw-araw na pakikipagtalastasan, hindi pa rin maikakaila ang pag-iral ng
ilang pagkakamali sa gamit nitong kadalasan ay makikita sa pagpili ng angkopna
salita at wastong kayarian ng pangungusap para sa isang mabisang pagpapahayag.
Mga madalas na pagkakamali
sa gramatikang Filipino
A. Paggamit ngnangat ng
PAGGAMIT
NG NANG
¢ Ginagamit bilang pangatnig sa hugnayang pangungusap.
Halimbawa:
Nagsisimula na
ang palatuntunan nang kami ay dumating.
¢ Nagmula sa na at inaangkupan ng ng at inilalagay sa
pagitan ng pandiwa at panuring nito.
Halimbawa:
Nagpaalam nang magalang ang
mag-aaral sa guro.
¢ Ginagamit sa gitna ng dalawang salitang-ugat na
inuulit, neutral na inuulit, o pandiwang inuulit.
Halimbawa:
basa nang basa
magsikap nang magsikap
¢ Nagbuhat sa na na naangkupan ng ng at ginamit bilang
pang-abay na pamanahon.
Halimbawa:
Marami nang
(na+ng) tao sa bulwagan.
¢ Pang-ugnay sa pandiwa at pang-abay na pamaraan.
Halimbawa:
Binigkas ni
Elena nang buong husay ang kaniyang talumpati.
¢ Kasingkahulugan ng upang at panumbas sa so that o in
order sa Ingles.
Halimbawa:
Makisama
tayong mabuti sa ating kapwa nang tayo ay lumigaya.
PAGGAMIT
NG NG
¢ Pantukoy na palayon na kasama ng tuwirang layon ng
pandiwa.
Halimbawa:
Gumagawa siya ng takdang-aralin.
¢ Pananda ng tagaganap ng pandiwa sa tinig balintiyak.
Halimbawa:
Pinangaralan ngina
ang anak.
¢ Nagsasaad ng pagmamay-ari ng isang bagay.
Halimbawa:
Ang aklat ng
bata ay tinakpan ng ina.
¢ Bilang pang-ukol na katumbas ng with sa Ingles.
Halimbawa:
Ako ay sinalubong niya ng ngiting
magiliw.
B. Paggamit ng may at mayroon
PAGGAMIT
NG MAY
¢ Kapag sinusundan ng pangngalan.
Halimbawa:
May
kasama siyang kaibigan.
Si Donna ay may
dalang balita.
¢ Ginagamit kapag sinusundan ng pandiwa.
Halimbawa:
May
gagawin ka ba mamaya?
Ang mga bata
ay may inaasahang regalo.
¢ Kapag sinusundan ng pang-uri.
Halimbawa:
May
bago ka palang kaibigan.
Si Didith ay
may magandang kalooban.
¢ Sinusundan ng panghalip panao sa kaukulang paari.
Halimbawa:
Bawat tao ay
may kani-kaniyang problema.
Sila ay may
kanila na at kami ay may amin.
¢ Sinusundan ng pantukoy namga at pang-ukol na sa.
Halimbawa:
May mga
nilalang ng Ama natin sa Langit na nakakalimot na tumawag sa Kaniya.
Tila maysa
palos ang taong iyan.
Paggamit
ng MAYROON
¢ Ginagamit kapag may napasingit na kataga sa salitang
sinusundan nito.
Halimbawa:
Mayroon
bang problema sa pag-aaral mo?
Mayroon
daw humahanap sa amin.
¢ Ginagamit na pananong sa tanong.
Halimbawa:
May
hinihintay ka ba? Mayroon.
¢ Ginagamit kung nangangahulugan ng pagka-maykaya sa
buhay.
Halimbawa:
Sila ay mayroonsa
kanilang bayan.
Isa siya samayroon
sa kanilang lalawigan.
C. Paggamit ng din at daw / rin at raw
PAGGAMIT
NG DIN AT DAW
¢ Ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa
katinig.
Halimbawa:
Tatlong
buwan daw tinapos ni Isiong ang kubo
na iyan.
Susunod din sina Ela at Joy sa salusalo mamaya.
PAGGAMIT
NG RIN AT RAW
¢ Ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa
patinig at malapatinig na w at y.
Bibili raw si nanay ng lechon para sa
kaarawan ni Bunso.
Kasama rin
kami sa pagtatanghal sa paaralan bukas.
D. Paggamit ng pahirin
at pahiran
PAGGAMIT NG PAHIRIN
¢ Kilos na nangangahulugan ng pag-alis o pagpawi sa
isang bagay.
Halimbawa:
Pahirin
mo ang pawis ng bata.
PAGGAMIT NG PAHIRAN
¢ Paglalagay ng kaunting bagay
Halimbawa:
Pahiran
mo ng Vicks ang aking likod.
E. Paggamit ng KUNG
AT KONG
PAGGAMIT
NG KUNG
¢ Pangatnig na panubali at karaniwang ginagamit sa
hugnayang pangungusap.
Halimbawa:
Malulutas
ang suliranin ng bayan kung makikiisa ang mga mamamayan.
PAGGAMIT
NG KONG
¢ Nanggaling sa panghalip panaong ko at
inaangkupan ng anak.
Halimbawa:
Nais kong tulungan ka ngunit tulungan mo
muna ang iyong sarili.
F. Paggamit ng SUBUKIN
AT SUBUKAN
PAGGAMIT
NG SUBUKIN
¢ Nangangahulugang tingnan ang kalagayan o ayos, o kaya
ay suriin at siyasatin ang kalagayan ng tao o anyo at ayos ng bagay. Katumbas
ng trysa Ingles.
Halimbawa:
Subukin
natin ang lasa ng bagong mantikilyang ito.
PAGGAMIT
NG SUBUKAN
¢ Tingnan kung ano ang ginagawa ng isang tao o kaya ay
magmanman o maniktik. Katumbas ng to spy sa Ingles.
Halimbawa:
Subukan
mo kung saan niya itatago ang kaniyang dala-dalahan.
G. Paggamit ng kita
at kata
PAGGAMIT
NG KITA
¢ Ginagamit kapag ang isa o dalawang nag-uusap ay siyang
gaganap ng gawain para sa kausap.
Halimbawa:
Ibibili kita ng bagong damit.
PAGGAMIT
NG KATA
¢ Ginagamit kung ang dalawang nag-uusap ay magkasamang
gagawa ng isang bagay.
Halimbawa:
Kata
ay magsimba muna bago umalis.
H. Paggamit ng sila
at nila / sina at nina
PAGGAMIT NG
SILA AT NILA
¢ Mga panghalip panao at hindi sinusundan ng pangngalan.
Halimbawa:
Sila
ay pupunta sa Laguna para magbakasyon.
Binili nila ang bestida para kay Lola
Adela.
PAGGAMIT NG SINA AT NINA
¢ Mga pantukoy na maramihan na sinusundan ng pangngalan.
Halimbawa:
Sina
Jacob at Esau ang mangunguna sa pagdarasal.
Pinitas nina
Jean at Gabby ang mga bulaklak sa hardin ni Tiya Isabel.
I. Paggamit ng pinto
at pintuan
PAGGAMIT
NG PINTO
¢ Bahagi ng gusali na siyang isinasara at ibinubukas.
Halimbawa:
Kumatok ka
sa pinto bago ka pumasok.
PAGGAMIT
NG PINTUAN
¢ Daanan
Halimbawa:
Maluwang ang kanilang pintuan.
J. Paggamit ng hagis
at ihagis
¢ Ang hagis ay isang pangngalan at hindi maaaring
pandiwa samantalang ang ihagis ay pandiwang pautos.
Mali: Hagismo
ang bola kay Ryan.
Wasto: Ihagis
mo ang bola kay Ryan.
Wasto:
Kailangang itaas ni Ryan ang hagis
ng bola.
SANAYSAY NI AURORA E. BATNAG
Ilang obserbasyon sa mga bagong kalakaran o
pagbabago sa wika.
Simulan natin sa palatunugan. Sa
alpabetong Filipino na may 28 na letra napasok na kaya ang ponemang /f/ at /v/?
Base sa sanaysay ni Aurora Batnag ang mga pinoy ay hindi conscious sa pagbibigkas ng ponemang /f/ at /v/.
Halimbawa:
Pangalang Patangi
Vic Lima – Bik Lima
Revicon Forte – Rebikon Porte
Vietnam – Byetnam
Pangalang Pambalana
Housing fair – hawsing peyr
Chief of police – tsip op polis
Secen – seben
Four – por
Batay sa datos conscious ang mag
Pilipino sa pagpapatunog ng f. Kung
sakali man hindiitoay labio-dental ang
f na nabuo kundi bilabial.
Ang biodental ay ang tamang pagbikas
ng f at v gamit ang sa itaaas na ngipin patungo sa
ibabang labi. Ang bilabial naman ay ang pagbigkas ng f at v na parang p at b na
ginagamit ang dalawang labi.
Ayon kina Schachter at Otanes saTagalog reference grammar, ang /f/ ay
nakakulong sa parentheses dahil marginalize pa lamang iyon. 36 na taon na ang
lumipas ang ponemang /f/ ay nasa gilid-gilid parin. Sakaling binikas ito sa
Filipino hindi man tulad sa Ingles ang bigkas kundi mas malapit sa /f/ n gating
kababayan.
Ang “pilipit” na r
Base parin sa obserbasyong ng awtor
merong mga kabataan na kakaiba ang pagbigkas ng /r/ kung susubukan ninyong
pakinggan maoobserbahan mo ang kaninlang paggamit dito. Masasabi nila na ito
raw ay isang fad o kaya naman ay kaartehan. Pero pwede rin naman na dahil
kaunti lang ang paggamit ngg /r/ sa ating wika kaya ganito, ngunit dapat parin
natin itong ukulan ng pansin dahil pwedeng ito ay isang uso lang o kaya namay
maging barasyon ng bigkas sa hinaharap.
Paggamit ng salitang SIYA
Sa Manila merong makikitang karatula
na nagsasabing “Atin siya.” Na ang
siya ay ginagamit sa pagtukoy sa isang lugar.
Ibang halalimbawa:
“Masarap siya.” (Tumutukoy ito sa pagkain)
“Sabi nila matibay itong pader pero
agad siyang bumigay.” (Tinutukoy dito ang natibag na pader)
Ayon sa Balarila ng Wikang Pambansa
ni Lope K. Santos, ang salitang siya
ay isang panghalip na panao sa pangatlong panauhan. Katumbas ito sa Ingles ang he/she.
Ngunit di lamang sa
panghalip na panao ang gamit ng siya ginagamit rin ito sa pagbuo ng ilang
salita.
Hal.
Anong pasiyamo? (Desisyon o hatol)
Kasiya ba sayo itong damit?
(kasukat)
Siyanga? Baka niloloko mo
lang ako (katumbas ng Oo nga talaga)
Talagang palasak na ngayon ang
paggamit ng siya sa pagtukoy ng mga bagay. Meron nga rin isang kilalang awtor
sa gramatika na mismong siya ay gumagamit nito para tukuyin ang tao pati narin
bagay. Marahil ginagawa nitong malinaw ang pagtukoy sa isang bagay na
nauunawaan. Ngunit napapansin na mas gamitin ang siya pagtumutukoy ng bagay sa
pasalita kaysa pasulat.
Nakakahiya o Nakahihiya
Matagal
nang pinagtatalunan kung ano ang dapat ulitin ang salitang ugat ba o panlapi.
Nalutas ang problema noong 1987 nang ang
Linangan ng mag Wika sa Pilipinas o Komisyon sa Wikang Filipino) ay
pinagpasyahan na tanggapin ang dalawa. Kapwa tama ang nakakahiya at nakahihiya.
Ayon sa tuntunin sa mga aklat ng
gramatika, sa pagbabanghay ng pandiwa, inuulit ang unang pantig ng salitang
ugat.
Hal.
Nagpaplantsa na ang unang pantig ay plan kaya ito ay magiging magplanplansa na wala namang gumagamit.
Iniwasto ito na ang inuulit ay ang unang Katinig at Unag Patinig ng salitang
ugat.
Balikan natin ang nakakahiya at nakahihiya
Salitang Ugat hiya
Word base kahiya
Panlapi ma-
Sa
ganitong pagsusuri, ano ang inuulit? Di ba hindi ang salitang ugat kundi ang
unang katinig at unag patinig (Unag K at Unag P, na tinatawag na word stem.) at hindi ng salitang ugat.
Itinuturo noon sa makalumang aklat ng balarila na ang
mga panlapi ay ma-, mag-, maka-, makapag-, at iba pa. Ngayon hinahati ito: ma-,
+ ka- +pag at ang pinakahuling pantig lamang ang tinuturing na panlaping
makadiwa. Ang iba ay bahagi ng word base.
Kapag ganito ang pagsusuri magiging
malawak ang saklaw ng tuntunin at makikita nating pumapasok sa tuntunin ang
ibang halimbawa.
Nakikiaglaban, hindi nakipaglalaban
Nakikigamit, hindi nakigagamit
Nagsisipag-alisan, hindi
nagsipag-aalisan
Iba pang halimbawa na inuulit ang
Unang K at Unag P ng salitang ugat na kinakabitan ng ma- + -ka+
Parehong ginagamit ang dalawang
anyo:
Nakakahiya nakahihiya
Nakakalungkot nakalulungkot
Nakakatanda nakatatanda
Kapag may pa-, ganito ang obserba
Naipapadala naipadadala
Naipapahayag naipahahayag
Ipinapalagay ipinalalagay
Sa na obserbahan may dalawang anyo
pag meron pa- sa word base. Sa kaso sa “ipinapalagay” at “ipinalalagay”
masasabing iba ang kahulugan ng dalawa.
Ang anyo ng salita na inuulit ang
Unang K AT Unag P ng salitang ugat ay karaniwang nakikita sa pasulat na anyo
samantalang sa pasalita naman ay inuulit ang unang pantig ng word base.
Paggamit ng panlapi
Maysariling
kahulugan ang mga panlapi kaya posibleng magbago ang kahulugan ng mga salita
batay sa panlapi.
Hal. Bumili at magbili
May mga panlapi rin na pwedeng magkapalitan
tulad ng i- at –in. Merong pandiwang magkatulad ang kahulugan sa dalawang
gagamitin. Halimbawa:
Iluto lutuin
Iprito prituhin
Iihaw Ihawin
Ngunit possible rin namang magbago
ang kahulugan.Halimbawa:
Iakyat akyatin
Ibili bilhin
Meron talagang panlaping nakatakda
sa bawat salitang ugat ngunit dahil sa dami ng Filipino na gumagamit marami
narin ang pumapasok na ibang gamit.
Halimbawa:
NOON:
Irespeto
Italakay
NGAYON:
Respetuhin
Talakayin
Mga
bagong pahayag
Parang apoy na lumaganap ngayon ang
paggamit nf kaya sa ganitong mga sitwasyon:
Dito kaya ako nakatira.
Busog na ‘ko, kumain na kaya ako!
Dating saklaw ng kaya:
Nagmumungkahi:
Lumunok ka kaya nito, baka makabubuti sayo.
Nagdududa:
Ipinuslit nga kaya niya ang P670M na fertilizer fund?
Ponemang morpema
Ang o at a ba ay mga ponemang
morpema na nagbabadya ng kasarian? Hindi parin.Hinihiram nang buo ang mga
salitang tulad ng abogado/abogada, maestro/maestra at iba pa.
Kailanan at kasarian ng pangalan
Itinuturo sa paaralan
ang kalian ng pangalan.
Halimbawa:
Isahan:
isang bulaklak
Dalawahan:
dalawang bulaklak
Maramihan:
Maraming bulaklak
Nagbago ba ang anyo ng “bulaklak” sa
ibat ibang bilang? Hindi, di ba?Ang naiba ay ang panuring nito.
Naipapakita ang isahan at maramihan
anyo ng pangalan sa pamamagitan ng paglalapi.
Isahan:
ina
Dalawahan:
mag-ina
Maramihan:
mag-iina
Ilan ang ina sa mag-ina? Sa
mag-iina? Isa lang. Ngayon paano natin matutukoy kung dalawahan ba o maramihan
gayong hindi nagbago ang bilang ng ina?
Ito pa.Anong kasarian ang pangalang
mag-ina?Pambabae, panlalaki, di tiyak o walang kasarian?
Base sa mga obserbasyon ni Aurora E.
Batnag kailangan na nating suriin ng mabuti ang ating mga tinuuro sa mga bata
dahil sa mga bagay-bagay tulad ng mga
halimbawa na lumakaganap sa atin bansa ukol sa wika.